Mayor-bf ni Bianca Manalo mahigit 1 oras ang nilangoy sa karagatan mailigtas lamang ang aktres at mga kasama nito

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Bianca Manalo, Ehra Madrigal, and Mayor Jonathan Tan

Mahigit isang oras ang nilangoy ni Mayor Jonathan Tan at kasamahan nito  upang humingi ng tulong  at mailigtas ang girlfriend na si Bianca Manalo makaraang tumaob ang bangka nitong umaga ng Marso 29, 2018 sa bayan ng Sebaste, Antique sa paggunita ng Huwebes Santo.

Ayon sa ulat ng ABS CBN,  kasama ni Tan si Manalo, ang aktres na si Ehra Madrigal at pito pa nang tumaob ang Bangka dahil sa malakas na alon habang sila’y patungo sa Mararison Island sa bayan ng Culasi.

Ang mga nakasakay sa bangka ay sina Tom Yeung, mister ni Madrigal; ilang mga kaibigan at kaanak ni Tan na sina: Joyce Mallari at dalawang anak pa nito, Majel Tresche, Torrebeo Barrientos, at Bennie Dable.

Si Dable, pinsan at bodyguard ni Tan ay namatay sa insidente.

Salaysay ni Tan, makaraan ang paghingi niya ng tulong, nagdesisyon itong languyin ang baybayin kasama si Barrientos.

Wika pa ni Tan,  sila’y lumangoy ng nasa 4 na kilometro na halos umabot ng dalawang oras bago sila nakita ng mga mangingisda sa Brgy. Aras-asan sa bayan ng Sebaste at doo’y agad nilang binalikan kung nasaan sila Manalo.

Napaiyak talaga ako. While we were on our way pabalik sa kanila, sabi ko, ‘Makikita ko pa ba sila? Are they still there?’ Grabe talaga, parang pelikula yung pangyayari,” ani Tan.

Talagang hindi ko ini-expect na mangyayari ito sa amin,” dagdag pa nito.

Nakatanggap naman ng atensiyong medikal ang grupo nila Manalo mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management makaraang sila’y mailigtas.

Sina Tan at mga kasaman nito’y nagpapapalakas matapos ang insidente.

Samantala labis naman ang pag-aalala ng ilang mga fans ni Manalo makaraan ang insidente nang mag-post ang mga ito sa huling Instagram post ng aktres.

💙 Blue river, wider than a mile • 👙 @cocoblissmanila

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on

 

Loading...