Mga nagtapos sa drug rehabilitation sa Valenzuela tumanggap ng P20,000 bawat isa

Imahe mula sa Valenzuela City PIO

Apatnapu’t isang dating drug dependent na nakapagtapos sa drug rehabilitation ay tumanggap ng P20,000 bawat isa mula sa city government ng Valenzuela upang makapagsimula sila ng munting negosyo.

Batay sa ulat ng Manila Bulletin, ang 41 nagsipagtapos ay kabilang sa second batch sa ilalim ng Valenzuela City Anti-Drug ***** Council (VADAC). Anim na buwan silang nanatili sa Mega Drug ***** Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ejica para sa kanilang rehabilitasyon.

Isiniwalat ni Valenzuela City Public Information Office head Zyan Caiña ang tulong na ibinigay sa 2nd batch ay doble sa first batch na tumanggap ng P10,000 bawat isa.

“We only gave P10,000 to our first batch. But as the program gets harder, the city government also gave bigger reward. We want to assure that their lives will be fully transformed,” ani Caiña.

[P10,000 lang ang ibinigay namin sa aming first batch. Subalit habang nagiging mas mahirap ang programa, mas malaki ang reward na ibinibigay ng city government.]

Ayon kay Atty. Bimbo Dela Cruz, VADAC action officer, ang mga nagsipagtapos sa rehabilitasyon ay isasailalim sa anim na buwang monitoring upang masiguro ang kanilang drug-free status. Isasailalim din sila sa mga pagsasanay at seminars upang mas mapabuti ang paghawak nila sa salapi na kanilang kikitain.

 

Loading...