Mga netizen, napahanga sa “backless shirt” pose ni Marian Rivera

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Edjean Bugnos Pagalan at Marian Rivera

Muling pinatunayan ni GMA Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes na kahit may asawa’t anak na ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan at kaseksihan sa pamamagitan ng kanyang Instagram photos.

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ang kanyang “backless shirt” pose na litaw na litaw ang kanyang kaseksihan at kaputian. Makikita sa larawan na parang dalaga pa ito at walang kabakas-bakas na nagdalang-tao at nagluwal na ng isang sanggol. Ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang Edjean Bugnos Pagalan na certified fan ni Marian.

Sexy back @marianrivera Yan igs update 02.04.18 #MarianRivera

A post shared by Edjean Bugnos Pagalan (@doings_yan_and_sha) on

Regrann from @marianrivera – I can’t feel my face when I’m with you but i love it… 🎼🖤🎵 – #regrann

A post shared by Edjean Bugnos Pagalan (@doings_yan_and_sha) on

Sa kasalukuyan ay abalang-abala si Marian sa taping ng kanyang telefantasyang Super Ma’am sa GMA Telebabad na hinggil sa kuwento ng isang gurong may super powers.

Mapapanood din si Marian sa Sunday Pinasaya kasama sina Ai Ai Delas Alas, Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at marami pang iba.

Loading...