MMDA sinabing fake news ang balitang hindi na manghuhuli ang mga constable dahil may mga CCTV na

Imahe mula sa PTV

Pinabulaanan at tinawag na fake news ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumalat na balita na ang mga traffic enforcers sa mga lansangan ay hindi na manghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko dahil mayroon nang “no-contact apprehension policy” (NCAP).

Ayon sa Inquirer, nilinaw ni Jojo Garcia, acting MMDA chairman, na walang katotohanan ang mga text messages na kumalat noong Biyernes, ika-9 ng Marso, na nagsasabing hindi na manghuhuli ang mga traffic enforcers.

Sinabi pa umano sa mga nasabing text messages na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang pinagmulan ng nasabing polisiya ng MMDA.

Ang kumalat na text message ay nagsasabing simula umano sa ika-15 ng Marso ay hindi na paparahin ng mga traffic enforcers ang mga traffic violators dahil aasa na lang sila sa mga CCTV cameras.

“It’s fake news. We deny such reports. It is not true that there’s no more ground apprehension,” ani Garcia sa isinagawang press briefing sa opisina ng MMDA.

[Fake news ‘yun. Itinatanggi namin ang mga nasabing ulat. Hindi totoo na wala nang ground apprehension]

Apela ng MMDA sa publiko, tanging ang kanilang official social media accounts – sa Facebook at Twitter –  ang dapat pagbatayan ng impormasyon mula sa ahensya.

 

Loading...