‘Mukha kang matrona’ comment ni Anabelle, isa sa mga dahilan ng pagpapapayat ni Ruffa

Imahe mula sa Instagram account ni @iloveruffag

Isa sa mga dahilan umano ng pagpapapayat ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang komento ng kanyang ina na si Anabelle Rama na mukha siyang matrona.

Ayon sa PEP, masayang ibinahagi ni Gutierrez na bumaba na ang kanyang timbang simula noong nagsimula siyang magpapayat noong nakaraang taon.

“I lost 22 pounds. Malaking achievement na rin ‘yon para sa akin,” aniya.

Kuwento ni Gutierrez, hindi niya napapansin noon na dumaragdag na ang timbang niya hanggang sa napansin ito ni Rama at ng mga malalapit na kaibigan niya.

“Hindi ko naman na-realize na tumaba ako until my mom said, ‘Naku ‘day, mukha ka nang matrona, magpapayat ka!'” saad niya.

With the one & only Boss… Madame Mommy @annabelleramaig 💗👸🏻

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

“‘Eto namang si Cristalle Belo, sabi nya, ‘Ruf, you’re getting obese!’ Siyempre, na-feel bad ako. Sabi ko, ‘Obese? I’m not that fat. Hello!’ Hindi ba kasi matangkad ako at hindi masyado halata?” dagdag niya.

Ngunit lahat daw ng pagtanggi ay nawala noong hindi na nagkakasya sa kanya ang mga damit niya.

“Pero noong hindi na nagkakasya ‘yong mga damit ko, sabi ko na I have to do something about it, kasi ayoko namang maging matrona ang itsura ko. So, I started working out,” wika niya.

Pero higit sa pisikal na aspeto, ninais din daw ni Gutierrez na maging healthy.

“It’s more about being strong ang healthy, hindi ‘yung magpapapayat ka, gugutumin mo ang sarili mo or hindi ka kakain or iinom ka ng diet pills. Ang mas pinaka-importante talaga ay maging strong tayo and healthy, and that’s what I am now!” aniya.

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, Instagram, Instagram