Netizen, natuklasan ang dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”

Larawan mula sa Facebook account ni Dan Grey

Wala na yatang makatatalo o makatataob sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin dahil sa patuloy nitong pamamayagpag sa Primetime, lalo’t ang mga nakalaban nitong show ay tuluyan na ngang namaalam.

Maraming salamat po!!!😍😍😍😘😘😘

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Isa sa mga senyales na magtatagal pa ang naturang teleserye ay ang pagpasok ng iba’t ibang mga artista upang gampanan ang iba pang karakter, tulad ni JC Santos na bagong love interest ni Alyanna, at asawa ni Ricardo Dalisay na ginagampanan ni Yassi Pressman. Balitang-balita na rin ang pag-alis ng batikang aktor na si Edu Manzano sa game show na Celebrity Bluff ng GMA Network dahil papasok siya sa FPJ’s AP.

Isang netizen naman na nagngangalang Dan Grey ang nag-post ng isang larawan sa Facebook page na Memories of Old Manila kung saan natuklasan niya umano ang dahilan kung bakit patuloy na nagtatagal ang naturang teleserye na ikinaaliw naman ng mga netizen.

Mga traydor kayo!!! Ilang taon ko kayong pinanood! Kaya pala di ma tapos2 ang palabas na to magkasabwat pala kayo!

Makikita sa larawan sina Michael De Mesa, Coco Martin, Lito Lapid, at Eddie Garcia.Β  ^_^

Ngayon, alam n’yo na rin kung bakit!

fpj

 

Loading...