21 years ago: Nikki Valdez, ibinahagi ang throwback photo ng Star Circle Batch 4

Mga larawan mula sa Instagram account ni Nikki Valdez

Ibinahagi ng aktres na si Nikki Valdez ang isang throwback photo ng kinabilangang Star Circle Batch 4, 21 taon na ang nakalilipas.

Ang Star Circle ay talent-handling management ng ABS-CBN Kapamilya Network na ngayon ay kilala bilang Star Magic. Pinalitan ang pangalan nito dahil naging titulo ang Star Circle ng unang artista search reality show ng Kapamilya Network na Star Circle Quest na nagpakilala kina Hero Angeles, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, at Sandara Park.

Ang Star Magic ay isa sa mga kilala at matagumpay na talent management na nagbigay ng kinang at pangalan sa napakaraming mga artistang sikat at kinikilala ngayon tulad nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Kristine Hermosa, Jodi Sta. Maria, Piolo Pascual, at napakarami pang iba.

Pinangangasiwahan ito ng direktor at talent manager na si Johnny Manahan na mas kilala bilang Mr. M.

Isa ang singer-actress na si Nikki Valdez sa mga patuloy na nagpapasalamat sa Star Circle o Star Magic dahil sa ibinigay nitong pagkakataon sa kanya upang maibahagi at maipamalas ang kanyang angking talento sa pag-awit at pag-arte. Bilang pasasalamat kay Mr. M sa iba pang big bosses na bumubuo sa Star Magic, nag-post ang aktres ng kanyang throwback photo ng Star Circle Batch 4 sa kanyang Instagram account.

21 YEARS AGO. ❤️ I was an 18 year old who loved to sing and perform but was a reluctant artist and a self proclaimed ugly duckling… My biggest fear is failure so kahit maraming nag eencourage sa akin na “mag artista”, I always said no kasi sure ako hindi naman ako matatanggap. Haha! BUT, as fate would have it, one telegram requesting my presence at ABS-CBN Talent Center changed my whole life instantly. 😊 I remember taking numerous bus and cab rides from Laguna to Quezon City with my Mom every week to attend extensive training and acting workshops with Directors Peque Gallaga and Lore Reyes (our batch was the last to be mentored by their group) and months later, being interviewed by no less than Mr. Johnny Manahan along the halls of the old ABS-CBN building then being launched as a member of Star Circle Batch 4 on this exact same day, year 1997. 💕💕💕What a journey it has been! I will cherish and always look back to all the beautiful and even the not so beautiful experiences for without them, I would not be here still. HAPPY 21st ANNIVERSARY to us Batch 4! Some of us may have gone own our path in life, but the memories and lessons (and friendships) remain. Thank you Mr. M, our past handlers and road managers and current ones, production people for all the work you give and of course @starmagicphils for all the love and care all throughout these years. Cheers to many many more to come! 🌟🌟🌟

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Loading...