‘Ninong Digong’ nagbigay ng payo tungkol sa pag-aasawa sa ikinasal na security aide

Image capture from PCGG video via Facebook

Ano nga ba ang  kasal para kay Pangulong Rodrigo Duterte?

Nagbigay ng makabuluhang payo ang Pangulo hinggil sa pag-aasawa makaraang kunin siya bilang ninong sa kasal ng kanyang security aide.

Si Duterte ay nagninong sa kasal ng kanyang security officer, police Senior Insp. Sofia Loren Deliu, at Inspector Abdul-Bassar Abdurajak sa Zamboanga City nitong Marso 1; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Marriage is not only about exchanging sacred vows. It is also about committing a life filled with eternal love and happiness despite all hardships and difficulties,” payo ng Pangulo sa mag-asawa sa wedding reception.

Take your time to adapt and get to know one another, and accept each other’s strength and weaknesses. Respect and understand your differences and shortcomings and show the same kind of passion and determination at work as a peace officer in keeping your relationship stronger,” dagdag pa nito.

Si Deliu, security aide ni Duterte, ay dating beauty queen. Ang half-Filipina, half-Romanian officer ay ika-15 puwesto sa Miss Philippines-Earth beauty pageant noong 2015.

Hinimok din ng Pangulo si Deliu na mag-apply kung saan mas malapit sa kanyang mister.

We can always make any arrangements na magkasama kayo, magkalapit lang para naman you start your marriage with a companionship that is constant and frequent. Para naman mabuntis rin kaagad,” ani Duterte.

Maliban sa Pangulo, dumalo rin sa kasalan sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Tunghayan ang mga payo ng Pangulo sa video na ito:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, ABS CBN

Loading...