Ogie Alcasid, balik-komedya sa “Home Sweetie Home”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Balik-pagpapatawa ang batikang singer-song writer na si Ogie Alcasid matapos sumabak sa aktingan sa Saturday night sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na Home Sweetie Home sa ABS-CBN Kapamilya Network.

Gaganap si Ogie sa dalawang karakter bilang Ireneo at Irenea. Hindi na bago kay Ogie ang mag-transform sa pagiging babae dahil ginagawa na niya ito noon pa man sa Kapuso Network.

Maraming naka-miss kay Ogie sa pagpapatawa dahil naging abala siya sa singing career simula nang maging Kapamilya. Isa siya sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime at regular na napapanood sa award-winning at longest musical variety show na ASAP.

Makikita sa Instagram account ni Ogie ang kanyang larawan habang “nakapambabae” kasama sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at ang dating kasamahang si Rufa Mae Quinto sa award-winning gag show na Bubble Gang na sa GMA Kapuso Network.

#newstartforme #tyLord @celestinegonzaga @rufamaequinto @piolo_pascual @hsh.abscbn

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

#soon on @hsh.abscbn

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Nagpapasalamat ang cast at crew ng HSH dahil patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood kahit on-leave si John Lloyd, ang gumaganap na asawa ni Toni sa Home Sweetie Home.

Ayon naman sa Balita, iniisip na raw ng management na tapusin na lamang ang sitcom dahil nahihirapan na ang scriptwriters kung paano patatakbuhin ang kUwento nito dahil sa pagkawala ng karakter ni John Lloyd. Kung papatok sa televiewers ang pagpasok ni Ogie sa show, baka ma-extend pa raw ito hanggang Abril.

Abangan ang paglabas ng karakter ni Ogie Alcasid sa mga susunod na episode ng Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN Kapamilya Network.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Balita. Net