P480 ang 1 litro? ‘Overpriced’ na alak, kinaaliwan ng netizens sa social media

Mga imahe mula sa Facebook account ni J. Alegre

Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga “overpriced” na alak na ibinibenta sa isang supermarket.

Sa Facebook, ibinahagi ng isang FB user ang namataan niyang mga binebentang alak sa isang pamilihan; na nagkakahalaga ng P480 kada isang litro.

“So ayon bumili kami ng alak kanina tapos ‘eto nakita ko. Hahaha ano, mukhang magbabagong buhay na mga laklakero, a,” wika ng nag-upload ng larawan sa caption nito.

Nakakuha ng iba’t ibang reaksyon ang post.

Ang iba ay nainis dahil sobrang mahal naman daw ang alak na ito.

Ang iba naman ay natawa at nagbiro na mauubos na ang mga mahihilig uminom.

Mayroon ding mga natuwa at nagsabing tama lamang ang presyong iyon para hindi makabili ang mga manginginom; bagay na makapagsasalba sa kani-kanilang mga kalusugan.

As of posting, nakakuha na ng mahigit 21,000 shares at lampas sa 10,000 reactions ang nasabing post.

Source :

Facebook

Loading...