Panelo: Hindi ‘constitutional crisis’ ang pagkuwestiyon sa appointment ni Sereno

File photo

Ipinaliwanag ni Presidential chief legal counsel Salvador Panelo na hindi nagbabadya ng ‘constitutional crisis’ ang pagkuwestiyon kung valid ang appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay hinggil na rin sa “quo warranto case” na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.

Ani Panelo: “So is the argument that acquiring jurisdiction over the case is tantamount to stealing from Congress the power to remove an impeachable official expressly granted to it by the Constitution.”

Iginiit pa ni Panelo na ginagawa lamang ng Korte Suprema ang kanilang tungkulin.

Aniya, kayang malutas ng Korte Suprema ang isyu hinggil sa kakayahan ni Sereno, lalo’t bumagsak pa ito sa psychological test, ayon sa ulat ng GMA.

Wika ni Panelo: “The constitutional requirement of competence is not limited to the nominee’s academic qualification and the fifteen year law practice but it may include psychological fitness.”

Ipinunto pa ni Panelo na kung hindi qualified si Sereno noong ito ay na-appoint pa lamang sa puwesto ay void ang appointment nito, at dine-demand ng batas na matanggal si Sereno bilang chief justice, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Sinabi rin ng presidential legal counsel na kung kwalipikado naman si Sereno, nangangahulugan na ang appointment nito ay valid.

Sa inisyal na ulat ng Kicker Daily News, itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa pagpapatangal kay Sereno sa puwesto.

Loading...