Pang-unawa ang kanyang pakiusap: Netizen na lumaki at pinalaking babae, lalaki pala!

Mga larawan mula sa Facebook account ni Merhan Ibrahim Borhan

Viral ngayon sa social media ang pagbabahagi ng isang lalaking pinalaking babae sa halos kalahati ng kanyang buhay, dahil sa kanyang kalagayang pagiging hermaphrodite.

Ang hermaphrodite ay isang kakaibang kalagayan kung saan ang isang tao ay may taglay na parehong sex organ ng lalaki at babae.

Ibinahagi ni Maher Ibrahim Borhan ng Cotabato City sa kanyang Facebook account ang kanyang kalagayan bilang isang lalaking pinalaki at nagkaisip bilang babae simula pagkabata.

Noong siya ay nasa elementarya, inakala niyang siya ay tomboy dahil nagkakagusto siya sa kanyang mga kaibigang babae. Pilit niya itong nilabanan, kahit nagsisimula na siyang dumanas ng puberty stage kung saan inaasahang magkakaroon na siya ng dibdib at buwanang dalaw. Sa halip, paglaki ng boses at pagkakaroon ng adam’s apple ang naranasan niya.

Saka lamang niya napagtantong siya ay lalaki nang tumapak siya sa kolehiyo dahil sa kanyang mga medical test. Sa kasalukuyan, pinalitan na niya ang kanyang pangalan mula sa babae patungong lalaki, at nagsimula na ring manamit at kumilos sa paraang lalaki. Sa kabila ng katotohanang siya ay hermaphrodite, marami pa ring mga mata ang humuhusga sa kanya, lalo na ang mga dating kaklase at kakilalang nasanay na siya ay babae.

Narito ang kanyang post sa Facebook:

I was raised as female but I am really male. Yes, I was diagnosed as TRUE HERMAPHRODITE

I am Maher I. Borhan. From cotabato city. I was born on April 26,1993 in our house in Bagua, Cotabato city. Inakalang ako ay babae nung ako ay isilang. Tatlong buwang gulang pa lamang ako nang magdesisyong mangibang bansa ang aking ama. At nang ako’y apat na taong gulang na, nagdesisyon sumunod at aking ina at ihabilin ako sa aking mga lolo’t lola. Nag aral ako ng nakabestida, ngunit nararamdaman kong may iba. Di ko na pinapansin kasi alam naman nating bawal ang tomboy at bakla sa kahit anong relihiyon. Hanggang sa sumapit ako sa grade 4 ng unti unti ko na talagang napapansin na nagkakagusto ako sa babae. Ngunit nilalabanan ko talaga yung pakiramdam na yun, hanggang sa ako ay lumipat sa ibang paaralan at magsuot na ng hijab (belo), pantakip ng katawan at buhok sa relihiyong Islam. At mas nanaig ang paglaban ko sa aking nararamdaman dahil ako’y nakabelo na, pansin ko na rin na medyo nag iiba na ang aking boses, habang ang mga kaibigan ko namang mga babae ay pinag uusapan ang buwanang dalaw.

Grade 6 na ako nun, syempre, di ko naman alam ang mga bagay na yan kasi di ko pa nga iyon nararanasan. May mga crush sila, habang ako sinasakyan ko na lang sila kunwari crush ko din yung lalaki pero ang totoo sila yung nagugustuhan ko. Nung umabot na ako sa high school, nag aral ako sa isang catholic school, at katulad ng ibang batang lalaki, nagbabago na ng sobra ang aking boses, wala akong dibdib. At ni hindi ko naranasan ang buwanang dalaw. Yung iba ko pa ngang kabatch binubully ako na mukha daw akong lalaki, bakla daw ako pero di ko na yun pinapansin. Hinahayaan ko na lang, hanggang sa isang araw, niyayakap ako ng kaklase kong babae sa may leegan banda. Nagtaka sya, tanong nya, Bakit ganun? Matigas, at may adams apple ka. Sagot ko, ah, hindi lang ako nakainom ng tubig. Yan na siguro yung kinain ko. Sumali ako sa mga JS Prom, nagsuot ng gown, naglipstick, nagsandal ng takong, nag bra kahit wala naman talaga akong dibdib. Ang hirap labanan yung pakiramdam na feeling mo nag iisa ka lang sa mundo.

Mahirap talaga ang kanyang pinagdaanan.

Hindi ko po kasalanan ang nangyaring ito sa akin, kagustuhan po ito ng Allah. Wala po akong ginawang mali, kahit po tignan nyo lahat ng results ng check up ko. 46xy po ang chromosomes ko, lalaki po yun, marahil di na rin ito bago sa pandinig nyo dahil may na feature na din na katulad ng kaso ko sa jessica soho. Nais ko lang pong ipagtanggol ang aking sarili laban sa mga taong mapanghusga. Mahirap po yung pinagdaanan ko, kung pinanganak kang may ari ng babae, magpa check up kapa rin dahil baka katulad kita. May mga kaso din na pinanganak ng may ari ng lalaki ngunit babae pala. Makikita nyo rin po yan sa google o youtube. Noon naniniwala ako sa kasabihang to see is to believe. Ngunit dahil sa nangyaring ito sa akin, nagbago ang pananaw ko. napaka swerte nyo dahil namumuhay kayo ng normal.

Maraming Salamat po.

Alhamdulillah. Allahu Akbar.

From Merfat E. Mohammad to MAHER IBRAHIM BORHAN

Nananawagan si Maher na kung maaari ay huwag siyang husgahan dahil hindi naman niya kasalanan ang lahat ng ito, at naniniwala siyang kaloob ito ni Allah, ang diyos ng mga Muslim.

Loading...