Pinsan ni Honeylet Avanceña na sinibak dahil sa pagbiyahe sa abroad, muling itinalaga ni Duterte

Image capture from PCUP

Muling maglilingkod sa gobyerno ang pinsan ni Honeylet Avanceña makaraang ito’y sibakin noong isang taon dahil sa madalas nitong pagbiyahe sa abroad.

Ayon sa ulat ng Rappler, muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Melissa Avanceña Aradanas bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Ang appointment papers ni Aradanas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso 7.

Si Aradanas ang papalit kay Patrocinio Jude Esguerra III.

Matatandaang si Aradanas ay isa sa limang Presidential Commission for the Urban Poor commissioners, na pinangungunahan ni Chairman Terry Ridon ang sinibak ni Duterte noong Disyembre 2017 dahil sa maraming biyahe sa abroad.

Tanging si Aradanas  ang sinibak na PCUP commissioner na muling itinalaga ni  Duterte.

Hindi lamang si Aradanas ang tanging kaanak ni Honeylet sa gobyerno. Isa pang pinsan nito, si Jhopee Avanceña, ay head naman ng  Malacañang’s Internal House Affairs Office (IHAO).

 

Loading...