PNP nagsampa ng mosyon para iapela ang pagbasura sa kaso nina Kerwin Espinosa, Peter Lim

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas – Nagsampa na ng motion for reconsideration ang Philippine National Police (PNP) upang i-apela sa Department of Justice (DOJ) ang pagbasura sa kasong illegal drugs trafficking laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.

“It’s on appeal. We filed a motion for reconsideration in the junking of the case of Peter Lim and Kerwin Espinosa. We will use all legal remedies to make sure they are held liable,” ani PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa ginanap na press conference nitong Martes sa Crame.

Ayon pa kay Dela Rosa, maghahain din umano sila ng karagdagang ebidensiya at magpipresenta ng iba pang testigo upang mapalakas ang kaso sa mga akusado.

“We believe may merit ‘yung kaso namin dahil nag-file kami ng MR and now it is being looked into and we are still very positive that we will win. We can file the case,” paliwanag naman ni Criminal Investigation  and Detection Group (CIDG) chief Police Director Ruel Obusan.

Magugunitang ibinasura ng DOJ ang kaso laban kina Espinosa, Lim, Peter Co at 20 pang indibidwal dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya na magpapatunay na sangkot nga ang mga ito sa ilegal na gawain.

Nangako naman si Pangulong Rodrgio Duterte na personal niyang rerepasuhin ang naging desisyon ng DOJ. Binantaan din ng Pangulo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ‘ipapakulong’ niya ito kapag hindi naibalik sa bilangguan ang mag pinaghihinalaang drug lord.

Loading...