#Prayers! Anak ni Dolphy na si Rolly Quizon isinugod sa ospital makaraang ma-stroke, pamilya humiling ng panalangin

Image capture from GMA video via You Tube

Humihiling  ng panalangin ngayon ang pamilya ng dating aktor na si Raul “Rolly“ Quizon makaraang ma-stroke habang nasa isang supermarket noong Biyernes, Marso 9.

Ayon sa PEP, nahilo at biglang natumba si Rolly at masuwerteng dumating ang girlfriend niya dahil sa supermarket ang kanilang meeting place.

Kasalukuyan umanong naka-confine at comatose si Rolly sa isang ospital sa Quezon City.

Umaga ng Marso 10 nang sumailalim si Rolly sa surgery upang ma-drain ang blood clot sa ulo ng dating aktor.

14-anyos si Rolly nang mag-umpisa bilang artista noong 1973 sa sitcom na John En Marsha at nagwagi ng Best Actor award para sa kanyang pagganap sa kontrobersiyal na pelikula ni Vilma Santos, ang Burlesk Queen na official entry sa 1977 Metro Manila Film Festival.

Johnenmarsha portrait- wikipedia-sf

Si Rolly ang bunso ng Comedy King na si Dolphy sa unang live-in partner nito, ang dating aktres na si Gracita Dominguez.

Matatandaang kapapanaw lamang noong nakaraang linggo sa US ng half-brother ni Rolly na si Dino Quizon, 45 ,dahil naman sa heart ailment.

Planong ipa-cremate ng pamilya ni Dino ang kanyang ******* at iuwi ito sa Pilipinas.

Loading...