#PrayersforPing! Magnolia players nagbigay ng tribute kay Marc Pingris makaraang magtamo ito ng career-threatening injury

Image capture from Sports 5 video via You Tube

Nagbigay-pugay ang koponan ng Magnolia kay Marc Pingris sa pamamagitan ng pagsusuot ng number ‘15’ patches sa kanilang jersey at sa mga sapatos sa game 2  ng PBA Philippine Cup semifinal series kung saan nagwagi ang Magnolia laban sa NLEX sa iskor na 99-84 nitong Marso 12.

Image capture from Jean Marc Pingris #15 "Pinoy Sakuragi" Facebook account
Image capture from
Jean Marc Pingris #15 “Pinoy Sakuragi” Facebook account

Matatandaan na sa game 1 ng serye noong Marso 10 ay nagtamo si Pingris ng ACL (anterior cruciate ligament) sa kanyang kaliwang tuhod. Siya’y hindi na makababalik sa serye.

Ayon sa ulat ng Spin, sinabi ni Jio Jalalon na si team official Reena del Mundo ang nagmungkahi na gawin ang pagpupugay.

“Sina ma’am Reena, nilagyan kami lahat sa jersey dahil kay Kuya Ping,” ani Jalalon.

Kasi lagi nagme-message sa ‘min si Kuya Ping na ‘kaya namin ‘to.’ So kumbaga, malaki ring tulong ‘yung mga sinasabi ni Kuya Ping sa ‘min.”

Nagbigay-pugay si Jalalon kay Pingris kung saan nag-ambag ito ng  all-around performance na 10 assists, 9 points, 6 rebounds, at 1 steal. Halos posasan din ni Jalalon sa kanyang solid defense sa Gilas Pilipinas teammate na si Kiefer Ravena.

Si Paul Lee naman ay may  27 points, kabilang 10 sa opening period na nagbigay din ng tribute kay Pingris.

Sinabi niya lang na ipanalo lang namin tong series na ‘to para sa kanya,” ani Lee kay Pingris.

Then, ni-remind niya kami na ‘di na maibabalik tong panahon na ‘to. Nangyari na ‘to, so kailangan maging memorable sa amin ito kasi ‘yun nga wala na kaming magagawa, si Kuya Ping injured.”

“So ‘yun nga, sinasabi lang niya na ‘yung mga other guys talaga step up talaga kasi ‘yun ‘yung kailangan namin ‘yung bench talaga,” dagdag pa nito.

Si Pingris ay ilang beses na ring naglingkod sa pambansang koponan.

Samantala dumagsa naman ang suporta’t panalangin makaraan ang injury na ito ni Pingris mula sa mga fans at kapwa players nito.

 

Source :

Sports 5, Spin, Spin

Loading...