Prenup attire ni Billy, pinagkakatuwaan ng Facebook users

Mga imahe mula sa Facebook accounts nina Rhum Lee Homrich at Janelle Payumo

Pinagkakatuwaan ngayon sa Facebook ang isa sa mga kasuotan ni Billy Crawford sa prenup pictorial nila ng kanyang mapapangasawang si Coleen Garcia.

“He took her by the hand, and she never looked back.” 🍃 . Link in bio (📷 @mymetrophoto)

A post shared by Coleen Garcia (@coleen) on

Ilang sandali matapos ma-post ang prenup photos nina Crawford at Garcia, may isang Facebook user na nagpost ng larawan ng bag ng kanyang ina na katulad ng isa sa mga suot ng aktor ang tela.

“Pang-prenup ni billy, bag lang ng nanay ko. HAHAHAHAHAHAHHAHAH,” wika ng Facebook user na si Janelle Payumo sa caption ng ini-upload niyang larawan.

As of posting, mayroon nang halos 60,000 shares at mahigit 151,000 reactions ang larawan.

Pagkalipas ng ilang oras, may nag-post naman na nagsasabing bag lang ang mayroon ang nanay ng naunang nag-post habang siya ay mayroong sofa at iba pang mga bagay na ang tela ay kapareho rin ng suot ni Crawford.

“Tela ba talaga pinag-uusapan dito? Kung bag lang sa nanay mo, wala ka sa akin meron akong sofa ohhh. Ano, lalaban ka pa? May boxers pa at kurtina ‘yan haha,” ani Rhum Lee Homrich.

As of posting, nakakuha na ang nasabing post ng halos 15,000 shares at mahigit 30,000 reactions.

Loading...