‘Relaks na si Mommy!’ Jak, masaya na kinakaya na nila ni Sanya ang mga gastusin sa bahay

Imahe mula sa Instagram account ni @jakroberto

Isa sa mga bagay na nakapagpapasaya umano sa aktor na si Jak Roberto ay ang katotohanan na sa wakas ay kinakaya na nila ng kapatid niyang si Sanya Lopez ang mga gastusin sa bahay at nakakapag-relax na ang kanilang ina.

Ayon sa PEP, ang dahilan ng pagpasok ni Jak sa showbiz six years ago ay ang kagustuhan niyang bigyan ng magandang buhay ang inang si Marlin Roberto.

#FoldedandHung #PanagbengaFestival 📸: @iam.jmsn_xe

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Natupad na ang pangarap na ito ngayon. Natutuwa raw si Jak na financially stable na sila ni Sanya kaya naman natutustusan na nila ang pangangailangan ng kanilang nanay.

“Si Mommy relax-relax na lang,” wika ng aktor.

“Magkahati kami ni Sanya sa gastos. Kami na rin nag-aayos ng mga bills,” kuwento pa niya.

Limang taon lamang umano si Jak noong namatay ang kanyang ama.

Happy Father's day to my Dad who's always watching us from heaven…

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Naranasan daw niya na magpintura ng mga tombstone kapag All Soul’s Day.

Sa isang post noong nakaraang taon, pinasalamatan ni Sanya ang kanyang kuya.

“Magkasama tayo sa lahat ng hirap at pagsubok sa buhay. Naging inspirasyon kita sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Walang magbabago hanggang sa mga pagtanda natin. I’m very grateful na kapatid kita. Salamat sa’yo, Kuya. Love you always!” aniya.

Noong 2011, nakuha ng aktor ang kanyang inaasam na showbiz break sa Walang Tulugan.

Si Sanya naman ay nakilala dahil sa mahusay niyang pagganap sa Encantadia 2016.

Source :

PEP, Instagram, IG, IG

Loading...