Ryan inaming nami-miss ang pamilya sa Korea: “Sabihin palagi i love you”

Images by Ryan Bang via Instagram account
  • 14 years nang naninirahan si Ryan Bang sa Pilipinas
  • Inamin niya na malungkot mag-isa at miss na miss na niya ang kanyang pamilya
  • Nagbigay siya ng payo na palaging sabihan ang mga magulang ng “i love you”

Sa isang madamdamin post ay inalala ni Ryan Bang ang kanyang pamilya sa Korea.

Ikinuwento ng komedyante ang kanyang pagkagulat nang makitang may family picture pala siya kasama ang kanyang mga magulang. Inamin ni Ryan na matagal-tagal na rin siyang nanirahan sa Pilipinas at bagama’t masaya ay nami-miss umano niya ang kanyang pamilya.

Aniya sa Instagram, “‘Di ko alam na may family picture pala ako. 14 years na po pala ako mag-isa dito sa Pilipinas. Ang saya ng buhay ko dito sa Pilipinas pero (minsan) ‘di ko alam kung tama ba desisyon ko dahil nakakalungkot rin mag-isa ka lang at sobra miss ko na pamilya ko.”

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga kaibigan niya na walang sawang nagmamahal sa kanya, “Buti ang daming bumabati at nagmamahal sa akin.. salamat po talaga.”

Sa huli, nagbigay ng simple ngunit madamdaming payo ang It’s Showtime host para sa mga anak, “Alam kong mahirap gawin pero habang nandiyan pa po ang magulang ninyo dapat sasabihin ninyo palagi na ‘I love you’.”

Matatandaang unang sumikat si Ryan Bang sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010. Simula noon ay naging regular na siyang nakikita sa Banana Sundae at It’s Showtime.

Source :

Push, Instagram

Loading...