Sa pagkakasakit at pagtanda, si Inday Sara umano ang tanging aasahan ni Pangulong Duterte

Image capture from Sara Zimmerman Duterte Facebook account /File Photo

Hindi umano maaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Vice Mayor Paolo Duterte at Sebastian Duterte sa panahon ng kanyang pagkakasakit at pagtanda.

Ayon sa ulat ng PhilStar, tanging si Mayor Sara Duterte-Carpio  lamang umano ang maaasahan niya sa mga ganitong sitwasyon.

Ang pahayag  ay kasunod ng pagtatanggol ni Pangulong Duterte sa kanyang war on ***** kung saan sinabi niyang mahalagang masawata ang iligal na droga nang sa gayon ay matulungan ng mga susunod na henerasyon ang tumatanda na nilang mga magulang.

Kinastigo din ng ama ang anak na si Sebastian dahil sa pagiging babaero nito na matatandaang naging kasintahan ni Ellen Adarna. Ang tatlo ay anak ng Pangulo sa kanyang estranged wife na si Elizabeth Zimmerman.

“‘Di ako, sinong maasahan ko? Si Inday, ‘yung anak ko na mayor, buti na lang nakalusot,” ani Pang. Duterte.

Inilarawan din ng Pangulo ang anak na si Paolo  – na nagbitiw kamakailan bilang Vice Mayor ng Davao City – bilang isang ‘gangster’.

Inihalimbawa ng Pangulo ang mga anak upang maipaliwanag ang kanyang emosyon at mailigtas ang batang henerasyon laban sa epekto ng iligal na droga.

Saad pa ng Pangulo, walang kabataang mag-aalaga sa kanilang mga magulang kapag winasak na ang mga ito ng droga.

Sapat lamang umano ang sahod para sa hospitalization at gamot kapag siya’y nagkasakit, anang Pangulo.

Si Pangulong Duterte ay 73-anyos na sa Marso 28.

Kaya by hook or by crook, long range or short range, I have three years, uubusin ko talaga kayo. Wala akong pakialam diyan p****** i**** human rights na ‘yan, l****. Hindi ‘yan makatulong sa bayan ko,“ ani Duterte.

 

Fact-checked against the following source(s) :

PhilStar, RMN

Loading...