Siyam na hikers kabilang ang limang estudyante ***** sa forest fire sa India

Imahe mula sa UrduPoint

Nasawi ang siyam na hikers at sugatan naman ang labingwalong iba pa dahil sa forest fire sa isang popular na hiking spot sa Tamil Nadu state, India.

Ayon sa ulat ng UrduPoint, ang grupo ng mga hikers na kinabibilangan ng 40 katao na ang karamihan ay mga college students ay pabalik na umano sa kapatagan mula sa kanilang trekking expedition sa Kurangini-Kozhukumalai Hills sa Theni District nang magsimula ang forest fire noong Linggo, ika-11 ng Marso.

Sa bilis ng pangyayari ay nagkahiwa-hiwalay ang mga trekkers sa paghahanap nila ng ligtas na madaraanan upang takasan ang apoy.

Siyam sa kanila ang sinawing-palad na hindi nakaligtas, samantalang ang iba sa mga nailigtas ng rescuers ay nagtamo ng malulubhang sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Gumamit ng mga military helicopters ang pamahalaan ng India upang tumulong sa pagpuksa sa forest fire. Nagsasasagawa na rin ng imbestigasyon upang alamin ang sanhi nito.

 

Fact-checked against the following source(s) :

Urdupoint, Vanguard, Rediff News