Supportive daddy! Daddy na todo suporta sa dance presentation ng anak, nag-viral

Image Capture of Video by Cristina Antinero via Facebook
  • Isang daddy ang nakunan na todo kembot at sayaw ng Hawaiian dance
  • Tinuturuan niya ang kanyang anak na babae sa kanyang dance presentation
  • Ikinatuwa ng mga netizens ang video dahil ang “lakas maka-good vibes” umano nito

Laking tuwa ng mga netizens nang mapanood ang video ng isang ama na todo suporta talaga sa kanyanag anak.

Sa post ni Cristina Santos Antinero sa Facebook ay kuha ang “full force” support ng isang tatay habang sumasayaw ng Hawaiian dance ang kanyang anak na babae.

Ani pa ni Antinero, “Kakatuwang panoorin ang tatay na ganito kasupportive lalo na sa mga activities ng kanilang anak #spreadthegoodvibes.”

Makikitang panay sayaw rin ang tatay habang tinuturuan ang anak. Hindi nahihiya ang supportive daddy na ito na kumembot at gumiling-giling upang sundin siya ng mga batang Hawaiian dancers.

Ikinatuwa ito ng mga netizens at umabot na sa 2.4 million views ang video. Ayon sa ibang mga ina ay “Iba talaga kapag daddy ang todo support.” Ang iba naman ay nagkumento ng “nakaka-proud.”

Maaaring mapanood ang video mula sa Facebook ni Cristina Santos Antinero:

Source :

Facebook

Loading...