Surgeon ni Xander: I am very proud of what he has achieved with his career so far

Imahe mula sa Instagram account ni @docyappy

Sobrang proud daw sa Internet sensation-turned-actor na si Xander Ford ang surgeon na nagretoke sa kanya.

Ayon sa Push, sa kabila ng mga kinaharap at kinahaharap na batikos ni Ford kaugnay ng kanyang pagpaparetoke, masaya pa rin umano ang kanyang surgeon na si Dr. Eric Yapjuanco ng The Icon Clinic; lalo na at kinilala rin si Ford ng Google bilang number one Most Searched Filipino Personality of 2017.

“I am very happy for Xander and I am very proud of what he has achieved with his career so far,” wika ni Yapjuanco.

[Sobrang saya ko para kay Xander at ikinararangal ko ang kung anong narating na niya sa karera niya.]

Inuulan man daw ng iba’t ibang batikos, umaasa pa rin ang cosmetic surgeon na magtutuluy-tuloy na ang dating ng mga biyaya kay Ford.

“I hope and pray that he continues to aspire for his dreams because I know that his main motivation in life is to give his family a better life. I am honored that The Icon Clinic is instrumental in giving the confidence that drives him to work harder and be a better and happier person,” dagdag niya.

[Umaasa at nananalangin ako na patuloy siyang maghangad na marating ang kanyang mga pangarap dahil alam ko na ang talagang motibasyon niya ay ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Ikinararangal ko na naging insrumento ang The Icon Clinic para mabigyan siya ng kumpiyansa sa sarili na nagiging daan para magtrabaho pa siya nang maigi at maging mas mabuti at mas masayang tao.]

Balikan ang episode ng Rated K kung saan ipinakilala si Ford:

Loading...