Tatlo sa apat na nawawalang crew ng nasunog na Maersk container vessel natagpuang *****

Imahe mula sa Maritime Bulletin

Ang mga labi ng tatlo sa apat na nawawalang crew member ng Maersk Line container vessel na nasunog sa Arabian Sea noong nakaraang linggo ay natagpuan na.

Ayon sa ulat ng GMA News, hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga natagpuang biktima, subalit naabisuhan na umano ang kanilang mga pamilya.

Sa naunang ulat ng Maritime Bulletin, dalawa sa apat na nawawalang tripulante ay mga Pilipino. Kinilala sila bilang sina John Rey Begaso at Janrey Genvatin, na kapawa 21-anyos na mga engine cadets.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati sa mga nasawi at kanilang pamilya ang Maersk chief operating officer na si Soren Toft.

Ang isa pang nawawalang crew member ay ipinagpapalagay na umano ng Maersk na nasawi na rin.

“Given the time passed and the severe fire damages of the vessel we must conclude by now that we have lost all four colleagues who have been missing since the fire onboard Maersk Honam which began on 6 March,” ayon sa statement ng Maersk.

Siyam sa dalawampu’t pitong crew member ng nasunog na barko ay mga Pilipino.

 

Loading...