Third wheel photos ni Yassi kinaaliwan, nag-viral

Mga imahe mula sa Instagram account ni Yassi Pressman

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang third wheel photos ng aktres na si Yassi Pressman.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pressman ang mga third wheel photo niya noong birthday celebration ng aktres na si Julia Barretto.

“Happy birthday, Julia @JuliaBarretto! Ito ang mga Third Wheel photos ko from last night!” wika niya sa caption ng mga larawan.

As of posting, nakakuha na ang post ni Pressman ng mahigit 208,000 favorites.

Nai-post na rin ang mga nasabing larawan sa Facebook, kung saan libu-libong shares at reactions na rin ang nakuha nito.

Bida si Pressman sa pelikulang Ang Pambansang Third Wheel, kung saan kasama niya ang aktor na si Sam Milby.

Loading...