Throwback: Kuha sa outing noon nina Angel, Pops, Valerie, at iba pa

Imahe mula sa Instagram account na @therealqueenph

Dahil summer na naman, marami ang nagpo-post ng mga larawang kuha sa kabi-kabilaang outings. Ito marahil ang dahilan kaya naisipan ng isang fan page para kay Angel Locsin na magbahagi ng larawan mula sa outing noon ng aktres kasama ang iba pang maniningning na bituin sa showbiz industry.

Sa Instagram, ini-upload ng @therealqueenph ang larawan ni Locsin kung saan kasama niya ang iba pang mga artista, kabilang sina Pops Fernandez, Valerie Concepcion, Ethel Booba, at Maggie Wilson.

“Beach outing in the Philippines…. Never late ang queen natin noon hanggang ngayon. Tropang old but gold,” saad ng caption ng larawan.

Kamakailan ay tumungo sa Sagada si Locsin kasama ang kanyang kasintahang si Neil Arce at ilang kaibigan — kabilang ang celebrities na sina Bubbles Paraiso, Boy 2 Quizon, at Ryza Cenon at boyfriend nito na si Cholo Barretto — at doon in-enjoy ang Holy Week break.

No road is long with good company ☺️ #SagadanSaSagada

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Source :

Instagram, IG

Loading...