Throwback! Sharon, ibinahagi ang bikini photos na kuha 17 taon na ang nakararaan

Mga imahe mula sa Instagram account ni @reallysharoncuneta

Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang dalawang bikini photos na kuha humigit-kumulang 17 taon na ang nakararaan.

Sa Instagram, ini-upload ni Cuneta ang mga larawan na kuha bago pa niya naging anak si Frankie Pangilinan na magde-debut na sa darating na Disyembre.

“And since ito lang ang dadalawang pics kong naka-two-piece at kuha pa ni Kiko (Na ang hobby ay gamitin lang ako. Ang katawan ko! Ay ngek sorry! Hahaha!), irerepost ko uli para sa mga five people na ‘di pa nakakakita!” wika ni Cuneta sa caption ng larawan.

Aniya, ang mga larawan ay kuha noong katatapos pa lamang ng theater run ng pelikulang Minsan Minahal Kita, na kinatampukan nila ng aktor na si Richard Gomez.

“Sa Amanpulo po ito kuha noong 2000. Just after the theater run of ‘Minsan Minahal Kita.’ And just before sinabotahe ng asawa ko ang ganda ng katawan at kapayatan ko na ang naging produkto naman ay si Frankie,” wika ng aktres.

Nakakuha na ng libu-libong favorites ang post ni Cuneta.

Karagdagang throwback. Narito ang trailer ng pelikulang Minsan Minahal Kita:

Loading...