Totoo o hindi? EJ nagsalita sa isyung nabuntis siya ni Bugoy

Imahe mula sa Instagram account ni @ennajielaure

Kalat na kalat ngayon sa social media ang balitang nabuntis umano ng young actor at Hashtags member na si Bugoy Cariño ang volleyball player na si EJ Laure.

Sa Facebook, sinagot ni Laure, 20, ang isyu na nagdadalantao siya sa anak ni Cariño, 15. Aniya, hindi lamang ito ang unang beses na mayroong nagkalat na buntis siya.

‪Happy birthday idol @hashtag_bugoy 🤗😘 hope you would enjoy your day. Wish you all the best! 🤘🏼‬

A post shared by Ennajie Laure (@ennajielaure) on

“(Noong) December, buntis daw ako tapos January buntis din ako. Ta’s March buntis na naman? Jusko, three months na ‘kong naging buntis, so triplets pala ‘to?” punto ni Laure.

Aniya, minsan na niyang nilinaw ang mga kumakalat na balita pero muli siyang nagsalita para matapos na ang lahat.

“Ewan ko ba kasi talaga sa trip ninyo. Basta ako, I’ve been enjoying my life and resting my shoulder for S81. Been living nice and simple then makakabasa ako ng kung anu-ano,” aniya.

“Just to end everything, wala akong control sa isip ninyo kasi may kanya-kanya tayo. God bless na lang,” dagdag niya.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Instagram