Trillanes tinawag na peke ang war on drugs ng pamahalaan

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Tinawag ni Senador Antoni Trillanes IV na peke ang war on drugs; ito’y makaraang ibasura ng isang panel ng prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang drug cases laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba pang diumano’y drug lords.

The DOJ’s exoneration of these known druglords is yet another proof that what Duterte unleashed upon us is a fake drug war,” ayon kay Trillanes.

Paniwala ng Senador,  dahil kaibigan at kumpare ni Pangulong Duterte si Lim kaya’t ligtas ito sa kaso; ayon sa ulat ng Abante.

Kapag mahirap, walang tanong-tanong, ***** agad. Kapag drug lords at kumpare pa ni Duterte, may due process na, absuwelto pa sa kaso,” saad pa nito.

Ginunita pa ni Trillanes ang pagpapakulong ng Pangulo kay Senadora Leila de Lima na inakusahang kasabwat ng drug lords sa bilibid at umano’y tumanggap ng campaign fund mula kay Espinosa.

Kapag kay Sen. De lima, na kalaban sa pulitika, kahit nagkabuhol-buhol na ang mga scripted na testimonya, sampa agad sa korte para makulong. Mr. Duterte, pinagloloko mo ang taumbayan,” ani Trillanes.

Samantala dismayado naman si Pangulong Duterte makaraang ibasura ng DOJ ang kaso nina Lim at Espinosa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinagsabihan umano ni Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre III  sa pagbasura ng kaso nina Lim at Espinosa.

“[Kapag] nakawala yan si Lim at Espinosa, siya ang ipapalit ko. I can review that dismissal order. Nag-amin na nga sa Congress! Why not admit it as evidence against him?” ani Duterte sa pamamagitan ni Roque.

“I will invoke my power of supervision and control and will review dismissal,” dagdag pa nito.

Loading...