[Video] Ex-lovers na sina Carlo at Angelica, magkasama sa Australia?

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @cargel_official at @iamangelicap

Kilig na kilig na naman ang fans ng 90’s love team na Cargel dahil bukod sa parehong single ang dating magkasintahang sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ay magkasama umano ang dalawa sa isang trip sa Australia.

Sa Instagram (IG), ibinahagi ng isang fan ang nai-save niyang kopya ng IG story ni Panganiban na kaagad ding binura ng aktres.

“Ngiting walang katulad…. FIRST COPY of the IG story before Angge deleted it. Thank you @kuroseeee for giving me a heads up!” saad ng IG user na si @cargelfanatic sa caption ng video na ini-upload niya sa IG.

Nag-post din si Panganiban ng larawan nila ni Aquino.

“Exkami,” sabi niya sa caption ng litrato na kuha sa St. Kilda Beach sa Australia.

Exkami.

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

May ibinahagi ring larawan si Aquino. Kuha naman ito sa Brighton Beach, Australia.

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Loading...