[Video] Mark Anthony, bumalik sa ABS-CBN pagkatapos ng 12 taon; pasok sa “Ang Probinsyano”

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @dreamscapeph at @graefernandez

Isang ganap na Kapamilya na muli ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos itong bumalik sa ABS-CBN Network pagkalipas ng labindalawang taon.

Sa Twitter, inanunsyo ng Dreamscape Entertainment publicity head na si Eric John Salut na pasok na si Fernandez sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano; na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Ito rin ang television comeback ni Fernandez mula noong naaresto at nakulong ang dating matinee idol noong 2016 at nakalaya noong 2017.

Ang huling programang kinabilangan ni Fernandez sa ABS-CBN ay ang teleseryeng Super Inggo noong 2006:

Abangan ang aktor sa Ang Probinsyano:

Fact-checked against the following source(s) :

Twitter, Twitter, Twitter, PEP, YouTube