[Video] Sofia, inaming malalim ang pinanggagalingan ng takot niyang ma-reject

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Inamin ng aktres na si Sofia Andres na mayroong malalim na pinanggagalingan ang takot niya na ma-reject.

Sa interview kay Andres sa Tonight With Boy Abunda, ikinuwento niya sa host na si Abunda na na-misinterpret lamang siya ng mga nagsabing mayroon siyang attitude problem.

“I had like, trauma ba. Sa school, na-encounter ko po iyong as in lahat ng girls sa classroom ayaw sa ‘kin. ‘Cause they think — kasi I was doing fashion show, commercials, that time — feeling nila mayabang ako,” ani Andres.

“Nag-start ako mag-approach sa kanya. Wala. Ang sakit niya,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Andres kay Abunda na naging biktima siya ng bullying noon sa eskwela.

“Yes, Tito Boy (na-bully po ako). It’s coming from there. Madaming times talaga, even if I say ‘hi’, there are some people (na magsasabing) ‘Sino ba ‘to?,’ ‘starlet’. Should I say hi to them ba?” emosyonal na pahayag ng aktres.

Ngunit pagkatapos ng lahat ng nangyari, natuto na raw siya.

“I’m trying to change myself na walang mawawala sa akin if I say hi kahit na i-reject nila ako,”

Narito ang buong interview kay Andres:

Source :

YouTube

Loading...