[Viral] ”Di hihinto ang buhay mo ‘pag late graduate ka’: Lalaking ‘di agad nakapagtapos, naghatid ng inspirasyon

Imahe mula sa Facebook account ni SZ-Kenneth Sevilla Jalon

“Hindi hihinto ‘yong buhay mo ‘pag late graduate ka.”

Ito ang wika ng isang lalaki na hindi kaagad nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay naghahatid ng inspirasyon sa social media.

Sa isang open letter na inilakip sa kanyang graduation photo, inilahad ni SZ-Kenneth Sevilla Jalon ang mga pinagdaanan niya noong hindi kaagad nakapagtapos ng kolehiyo. Aniya, ilang beses na siyang nasabihan ng “bulakbol”, “baka abutin ng sampung taong sa college”, at “road to six years ka na pala”.

“Sabayan mo pa ng mga sinasabi ng mga magulang mo sa ‘yo: ‘Disappointed ako sa ‘yo,’ ‘Pinapa-aral ka naman namin nang maayos, a,'” dagdag niya.

Dahil dito, hinimok ni Jalon ang mga magulang, kaibigan, at iba pang nakapaligid sa mga matatagal grumadweyt na suportahan na lamang ang mga ito.

“Kailangan namin e ‘yong ‘moral support’ ng bawat magulang. ‘Yong sasabihan ka na: ‘Okay lang ‘yan, nak. Galingan mo lang sa sunod. Nandito lang kami ni mama/papa mo parati,’ ‘Sus, okay lang ‘yan. Bata ka pa naman, e. Enjoy mo muna life mo bilang teenager.’ Mas kailangan namin ‘to, e, kaysa sa mga salitang ‘disappointed’, ‘worthless’, etc.,” aniya.

Ibinahagi rin ni Jalon kung anu-ano ang mga napagtanto niya matapos maging Octoberian.

“Oo, octoberian ako. Eh ano ngayon, brow? ‘Yong buhay ba, paligsahan? Kung nauna ka saken grumaduate, ibig sabihin ba no’n magaling ka pa sa ‘ken? Oo, grumaduate ka on time. Eh ano ngayon? Ang importante naabot ko ‘yong naabot mo. Not on time nga lang,” wika niya.

“Never stop chasing your dreams. Five years ka? Six years or 10 years? Tuloy pa rin ang laban! Hindi hihinto yung buhay mo pag late graduate ka. Alam mo anong importante? Masaya ka sa ginagawa mo,” dagdag pa niya.

Source :

Facebook

Loading...