17 nasawi sa pagtaob ng dalawang dragon boat sa isang ilog sa China

Imahe kuha sa video ng ABC

Dalawang bangka ang tumaob at lumubog sa isang Taohua River sa lungsod ng Guilin sa southern China, kung saan 17 tao ang namatay.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, naganap ang trahedya noong Sabado, ika-21 ng Abril, habang nagsasanay ang mga biktima para sa na dragon boat race na taon-taong ginagawa para sa “Duanwu” o Dragon Boat Festival na ipagdiriwang sa buwan ng Hunyo.

Animnapung tao lahat ang sakay ng dalawang dragon boat na tumaob. Karamihan sa mga nasawi ay walang suot na life jacket.

Hindi pa nututukoy ang tunay na dahilan kung bakit tumaob ang dalawang bangka, subalit nangyari umano ang aksidente sa bahagi ng ilog kung saan malakas ang water current.

Dalawandaang rescuers ang ipinadala sa lugar ng sakuna. Inabot ng gabi bago nakuha ang lahat ng biktima.

Hindi umano ipinaalam sa mga awtoridad ang practice session ng mga dragon boats kaya dalawa sa mga nag-organisa nito ay inaresto ng pulisya.

 

Loading...