32 Chinese ***** sa aksidente sa North Korea, Kim Jong-un nakiramay

Imahe kuha sa video ng CCTV

Nagpaabot ng personal na pakikiramay si North Korean leader Kim Jong-un sa mga biktima ng isang malagim na aksidente kung saan nasawi ang 32 turistang Chinese at apat na North Koreans. Dalawang Chinese tourists naman ang sugatan at dinala sa pagamutan.

Personal umanong nagtungo ang North Korean leader sa Chinese Embassy sa Pyongyang at nakipagpulong kay Chinese ambassador Li Jinjun upang iapaabot ang kanyang pakikiramay.

Anang North Korean leader, ang hindi inaasahang aksidente ay nagdalala ng mapait na pighati sa kanyang puso. Hindi niya umano mapigilan ang kanyang hinagpis sa pag-iisip sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, nahulog sa tulay sa probinsiya ng North Hwanghae sa North Korea ang tourist bus noong Linggo ng gabi, ika-22 ng Abril, sa kasagsagan ng ulan.

Sa video na ipinakita ng China Central Television, makikita ang isang nakataob na malaking tourist bus sa gitna ng kadiliman at pag-ulan. Ipinakita rin ang panggagamot ng  mga doktor sa isa sa mga turistang nasugatan sa aksidente.

 

Loading...