“Almost A Love Story” nina Barbie at Derrick, tinanggal agad sa mga sinehan

Imahe mula sa Twitter account ni Barbie Forteza

Dismayado ang aktres na si Barbie Forteza dahil sa biglaang pagkakatanggal sa mga sinehan ng pelikulang pinagtambalan nila ni Derrick Monasterio, ang “Almost A Love Story.”

Inihayag ng aktres ang kanyang pagkadismaya sa Twitter. Ni-retweet niya rin ang reaksyon ng mga fans nang malaman nila ang tungkol sa nasabing pullout sa pelikula ng kanilang idolo.

“Nakakalungkot na may mga taong gustung manood ng Almost A Love Story sa lugar nila pero hindi na palabas pinull out agad,” himutok ni Barbie.

Untitled

Ayon sa LionhearTV, marami namang mga “DerBie” (Derrick-Barbie) fans ang nakapanood ng pelikula, pero marami rin sa kanilang mga followers ang hindi nakapanood dahil nga na-pullout agad ang “Almost A Love Story.”

Nagsama na sina Barbie At Derrick sa ilang pelikula tulad ng Luna Blanca,Paroa: Ang Kwento ni Mariposa, Anna Karenina at The Half Sisters kaya naman ayon sa aktor ay komportable na sila sa isa’t isa.

Ang “Almost A Love Story” ang nagsilbing reunion ng dalawa.