Ang saya-saya. kuya Wil! CCTV nagmistulang  TV camera sa pagbati ng lalaki sa mga kaanak sa Cebu

Image capture from GMA video via You Tube

Para-paraan talaga ang mga Pinoy!

Nagmistulang  isang  TV camera ang isang closed-circuit-television camera (CCTV) kung saan ginamit ng isang lalaki sa Pasay City  ang CCTV upang batiin ang kanyang pamilya sa Cebu.

Sa video na ibinahagi ni Cherry Bermas sa Facebook, si John Rivera ay nakuhanan na tumatalon at kumakaway pa habang binabati ang kanyang pamilya sa isang tindahan.

Saad sa caption: “Salamat sa CCTV MONITOR nakita na siya sa TV, natupad na din pangarap niya makita siya ng mga magulang niya. HAHA”

“Binabati ko sina mama ko, sila papa ko, buong pamilya ko sa Cebu! Mahal na mahal ko kayo! Ang saya-saya ,kuya Wil,” pagbati ni Rivera  sa harap ng CCTV.

Nag-viral ito at nakarating na nga sa GMA network kaya’t natupad na lalo ang kanyang pangarap na makita siya ng kanyang mga magulang sa TV.

Ibinahagi ng 24-Oras and video balitang ito:

Hindi naman malinaw kung si Willie Revillame ang binanggit  na ‘Kuya Wil’ dahil ito ang tawag sa host ng programang “Wowowin.”

Inaabangan naman ngayon kung  sa loob na ng studio ng “Wowowin” susunod na babati si Rivera. ^_^

Loading...