‘Baklain isyu’ Jay Sonza damay sa tirada ni Kris Aquino kay James Yap

Image capture from Kris Aquino/Jay Sonza Facebook account

Isa si Jay Sonza sa mga isinusumbat ni Kris Aquino kay James Yap dahil sa pahayag  ng dating broadcaster na “baklain” si Bimby, ang anak ng estranged couple.

Matatandaang binatikos si Sonza dahil sa kanyang Facebook post noong January 24, 2018:

Sa tirada ni  Kris kay James kamakailan, isinumbat niya sa dating mister ang pananahimik nito nang tawagin ng dating mamamahayag  na “baklain” ang kanilang anak.

Nasaan ka nung binully si Bimb nung datihang broadcaster na hindi naman umuubra ang pagsisipsip kay PRRD, nung tinawag niya na baklain at lampa ang anak mo?”

Wika pa ni Kris, sablay at kulang sa research sa naging pahayag ni Sonza na bitter lamang ito kay James

Patunay ni Kris:  “lumalabas na very successful ang second marriage and new family ni dating husband.”

Malalaman ni  Sonza na hindi successful ang marriage ni James kay Michela Cazzola dahil hindi pa kasal ang dalawa kung nagsaliksik lamang ito nang mabuti.

Upang hindi makuwestiyon ang kredibilidad ng isang mamahayag dapat ay tumpak ang mga impormasyong inihahatid sa publiko.

Nauna nang inihayag ni Kris na sumisipsip lamang si Sonza kay President Rodrigo Duterte.

Pinararatangan ding sipsip si Kris kay Duterte dahil sa magandang pahayag niya  sa Pangulo at sa apong si Isabelle Duterte na isang aspiring actress; ayon sa ulat ng PEP.

 

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, GMA, Balita DF

Loading...