Barangay sa Benguet isang oras inulan ng yelo, mga pananim na gulay nasira

Imahe kuha sa video ng UNTV

Sa kabila ng matinding init na nararanasan ngayon sa bansa, isang barangay naman sa Benguet ang inulan ng yelo; dahilan upang masira ang ilang mga pananim na gulay.

Ayon sa ulat ng Radyo La Verdad, nakaranas ng hailstorm o pag-ulan ng yelo ang Barangay Paoay sa bayan ng Atok noong Sabado, ika-21 ng Abril. Ilang greenhouse ang napinsala at ang ilang pananim na gulay ng mga magsasaka ay nasira.

Kuwento ng mga magsasaka, sanay na raw sila sa hailstorm dahil taon-taon ay umuulan doon ng yelo na kadalasan ay tumatagal lamang ng mula tatlo hangang limang minuto.

Subalit, noon ngang Sabado ay tumagal iyon ng isang oras kaya naman matindi ang idinulot na pinsala.

Wala naman umanong dapat ikabahala ang mga mamimili dahil may sapat na supply ng gulay ang Benguet para sa mga mamimili.

Ang Municipal Agriculture Office at Provincial Agriculture Office sa Barangay Paoay ay nagsagawa ng pag-inspeksiyon upang malaman kung gaano kalaki ang pinsalang iniwan ng isang oras na pag-ulan ng yelo.

Ano ang itsura ng mga yelo doon? Narito sa isang post ng Barangay FM 92.7 Baguio sa Facebook.

Loading...