Businesswoman, ******** sa panunuhol sa pulis kapalit ng paglaya ng drug suspect

Imahe mula sa Instant Street View

Sa kalaboso ang bagsak ng isang 47-anyos na babaeng negosyante dahil sa umano’y tangka niyang panunuhol sa isang police officer sa Parian Police Station sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng Philstar, nahuli sa isang entrapment operation ang businesswoman na si Yvonne Lyra Ho dahil tinangka niyang suhulan si Police Officer 1 Nixon Miranda kapalit ng paglaya ng 26-anyos na si Crisbeb Chavez, 26 anyos.

Si Chavez, na anak umano ng kliyente ni Ho, ay naaresto ng mga pulis sa isang drug buy-bust operation. Kasama niyang naaresto sina Sarah Rafols, 46 anyos at Philip Bregente, 35 anyos, sa Sitio Riverside Barangay Lorega San Miguel dakong 3:30 ng madaling araw ng Martes, ika-24 ng Abril.

Sinabi ni Chief Inspector Kenneth Paul Albotra, hepe ng Parian Police Station, na nagtungo sa police station ang negosyanteng si Ho upang makipagnegosasyon kay PO1 Miranda. P20,000 umano ang alok ni Ho kapalit ng paglaya ni Chavez.

Agad namang ipinagbigay-alam ni PO1 Miranda sa kanyang hepe ang panunuhol ni Ho kaya nagsagawa sila ng entrapment operation. Sa nasabing operasyon, agad na inaresto ang negosyante matapos niyang iabot ang isang sobre na naglalaman ng P20,000 kay PO1 Miranda.

Ani Albotra, magsilbi sana ang nangyari sa negosyante bilang aral para sa iba na huwag susuhulan o iimpluwensiyahan ang mga pulis.

Ibinahagi ng SunStar Cebu ang videong ito sa Facebook:

Fact-checked against the following source(s) :

Philstar, Sun Star, Facebook

Loading...