Coco Martin ikinalungkot ang pagkakahuli kay Julio Diaz dahil sa iligal na droga

Image capture from Julio Diaz Facebook account

Ikinalungkot umano ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ leading star na si Coco Martin ang pagkakahuli sa kapwa aktor na si Julio Diaz.

Si Diaz o si Mariano de Leon Regaliza sa tunay na buhay, ay naaresto kasama si Ronald Gomez dakong 12:40 a.m. nitong Abril 20.

Sina Diaz at Gomez ay nahuli habang nagbebenta ng sachet ng shabu sa isang poseur buyer sa halagang P500.

Ayon sa ulat ng Abante, malaki umano ang naitulong ni Martin sa mga hospital bills ni Diaz. Hindi umano ito isinapubliko ni Coco.

Nakalulungkot at nakapanghihinayang si Diaz dahil maganda naman ang kanyang karera sa kasalukuyan.

Pagkatapos ng paglabas ni Diaz  sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay  bahagi rin siya ng teleseryeng ‘Asintado’ ng ABS CBN.

Labis namang pinagsisisihan ni Diaz ang kanyang ginawang kasalanan.

Loading...