Dating CA justice pinagmulta ng P100,000 dahil sa pagsusugal sa casino

Imahe mula kay Ramon F Velasquez

Pinatawan ng Korte Suprema ng P100,000 multa ang isang dating Court of Appeals (CA) justice dahil sa pagsusugal.

Ayon sa ulat ng GMA News, si Normandie Pizarro, isang retiradong associate justice ng CA ay inatasang magmulta ng P100,000 matapos magdesisyon ang Korte Suprema na nilabag niya ang pagbabawal sa mga kawani ng gobyerno na magsugal sa casino, alinsunod sa Presidential Decree No. 1869.

Ang desisyon na isinulat ni SC Associate Justice Samuel Martires na sinang-ayunan ng 11 justices ay nakadidismayang katapusan sa karera si Pizarro sa hudikatura, na nabahiran ng mga aksusasyon ng katiwalian.

Isang hindi nagpakilalang complainant ang nag-akusa kay Pizarro, sa pamamagitan ng isang liham, bilang pinaka-corrupt umanong justice sa bansa dahil “ibinebenta” umano nito ang mga kaso upang matustusan ang diumano’y pagkalulong sa sugal.

May ipinadala ring larawan ang anonymous complainant na nagpapakita kay Pizarro sa loob ng casino. Sinabi rin sa liham na si Pizarro at ang mistress niya ay madalas bumiyahe sa labas ng bansa upang mag-shopping at magsugal sa mga casino.

Pinabulaanan ni Pizarro ang bintang na may mistress siya.

Hindi naman napatunayan ang mga bintang ng katiwalian at imoralidad kaya ibinasura iyon ng Korte Suprema. Subalit ang pagsusugal ay may sapat na katibayan, bukod pa sa pag-amin mismo ni Pizarro na nagsusugal nga siya sa casino noong 2009.

Ani Pizarro, ang pagsusugal daw niya ay ginawa lang ng isang taong mamamatay na. Bago kasi ang pagsusugal, nalaman umano niya na mayroon siyang terminal ******.

 

Fact-checked against the following source(s) :

GMA Network, Inquirer, Rappler

Loading...