Dennis sa ginawa ni Joshua: ‘Pag inulit niya pa magiging action star na ako

Mga imahe mula sa Instagram account ni @garciajoshuae at YouTube video ng StarsPhotog Vidz

Magiging “action star” na raw ang aktor na si Dennis Padilla kapag inulit pa ng aktor na si Joshua Garcia na saktan ang anak niyang si Julia Barretto.

Sa isang panayam, sinabi ni Padilla na napanood niya ang panayam kay Garcia sa Tonight With Boy Abunda. Nadama naman daw niya ang sinseridad ng aktor.

“Noo’ng umpisa hindi, pero no’ng bandang huli, medyo naniniwala na ako, especially no’ng sinabi ni Boy Abunda na, ‘eto I remember the phrase, ‘Joshua, you have my respect.’ So no’ng sinabi ni Boy Abunda ‘yun, sabi ko, ‘Okay approve’,” ani Padilla.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang onscreen partners at rumored couple na sina Garcia at Barretto matapos magpadala ng mensahe ang The Good Son actor sa isang Instagram user.

Inalala ni Padilla ang interview sa Magandang Buhay kung saan nangako si Garcia na hindi nito sasaktan si Barretto.

“‘Di ba meron akong previous interview o guesting sa Magandang Buhay and then nag-guest si Joshua and si Julia. So during the interview sa Magandang Buhay interview ni Julia ‘tsaka ni Joshua, ni-replay ‘tong portion ng interview ko regarding him. So ang sabi ko sa portion ng interview ko na basta h‘wag mo lang lolokohin ‘yung anak ko, h‘wag mong sasaktan ang anak ko. Nakatawa naman ako. Kaya lang nagiging action star ako if you’ll do otherwise,” aniya.

“Tapos during the live portion, natuwa naman ako do’n sa sagot niya. Sabi niya, ‘Ah, naiintindihan ko naman, Tito Dennis, ‘di ka magiging action star,’ kaya ‘yon lang ang message ko kay Joshua. Siguraduhin mo, Joshua, ‘di ako magiging action star kasi anak ko ‘yan alam mo ‘yun,” dagdag pa ng aktor.

Usapang lalaki

Nag-usap din daw sina Padilla at Garcia nang lalaki sa lalaki noon.

“Father’s Day ‘yun ‘di ko makakalimutan. Nag-usap tayong dalawa. So lalaki ka, lalaki ako. So kung magkakaroon ng problema, kausapin mo din ako kasi nag-usap tayo, ‘di ba? Iba ‘yung nag-uusap nang personal kaysa do’n sa nababalitaan mo lang ‘yung kuwento. Eh siyempre ayoko namang gawing basis ang kuwento. Gusto ko ang sa tao mismo,” pagbabahagi niya.

“Kasi once in a while I also greet him. ‘Oh, kumusta na anak?’ Gano’n naman ako. And nagtetext din naman siya saken. One time nga no’ng nag-e-edit ako no’ng The Barker no’ng October nag-text pa siya sa ‘kin ‘Tito Dennis, I’ll send you something.’ May pinadala pa nga siya na Johnnie Walker. Sabi ko ang bait na bata,” dagdag pa niya.

Magiging action star

Samantala, handa naman daw makipag-usap nang maayos si Padilla kay Garcia.

“Mag-sorry lang sa ‘kin, okay na ‘yun. Sabihin niya, ‘Sorry, Tito Dennis.’ ‘Pag inulit niya ‘yun magiging action star na talaga ako. Wala nang makakapigil nun. Tsaka ‘di na ako nagpapatawa no’n,” wika niya.

Narito ang panayam kay Padilla:

Source :

YouTube, Twitter

Loading...