DepEd nais taasan ang bayad sa mga gurong magsisilbi sa eleksyon

Image capture from Senate.Gov.Ph

Nakikipagnegosasyon na ang Department of Education sa Commission on Elections upang taasan pa ang bayad sa mga gurong nagsisilbi sa eleksyon.

Sa ilalim ng REPUBLIC ACT No. 10756, section 4, ang honoraria sa mga guro ay nagkakahalaga ng P6,000 para sa chairperson ng electoral board; P5,000 para sa bawat board member; P4,000 sa bawat DepEd supervisor at  P2,000 sa support staff. Lahat sila’y pagkakalooban din ng P1,000 para sa travel allowance.

The law provides we can review these rates,” ayon kay Education Undersecretary Alain Del Pascua.

 Sa ulat ng ABS CBN, sinabi pa ni Pascua na ang pagsisilbi sa electoral board ay mandatory sa mga guro. Ngunit may ilang hirap sa pagkuha ng kanilang honoraria sa mga nakalipas na eleksyon.

The honoraria should be given within 15 days according to the law. The best person to ask is the Comelec, they have to answer this,” ani Pascua.

Ang Barangay at Sanggunian Kabataan elections ay gaganapin sa May 14.

Samantala ire-reactivate ng DepEd ang Election Task Force and Monitoring Center para sa mga public school teachers na magsisilbi sa eleksyon simula Mayo 13 hanggang 15 sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office sa Pasig City.

The reactivation of the DepEd Election Task Force will ensure that public school teachers and other non-teaching personnel are provided with adequate information, and technical and legal assistance while fulfilling their duties during the May 14, 2018 elections,” ani Pascua.

 

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, Abante, Law Phil, Facebook

Loading...