Disiplinado, Marunong kumonsulta! “Albayalde mahusay na pamumunuan ang PNP” – Lacson

Public domain

Naniniwala umano si Senador Panfilo Lacson na mahusay na pamumunuan ni Police Director General Oscar Albayalde ang Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ni Lacson tama umano ang tunguhin ni Albayalde dahil disiplina ng mga pulis ang unang target at ito’y marunong ding kumonsulta.

Nakita ko lang sa kanya ‘yung determinasyon na talagang unahin ang internal cleansing. ‘Yun talaga ang kanyang tinatahak na direksyon,” ayon kay Lacson na dating PNP Chief.

Ayon sa Senador, nagkausap sila ni Albayalde bago ito italaga bilang PNP Chief.

Humingi din ng payo si Albayalde sa Senador  kung paano malilinis at madidisiplina  ang mga pulis.

Payo ni Lacson, dapat nitong palakasin ang counter-intelligence task force at gawing katuwang ang Special Action Force sa mga operasyon.

Kanyang ring iminungkahi kay Albayalde ang pagpapaliit ng baywang ng mga pulis upang makahabol ang mga ito sa mga kriminal. Ito’y ginawa ni Lacson noong siya’y PNP chief.

Yung 24-inch waistline, simboliko lang. Ang punto roon ay disiplina para maging fit ang mga pulis,” ani Lacson.

Saad pa ng Senador, maipatutupad ito ni Albayalde dahil siya mismo’y may disiplina sa katawan at madali itong tularan ng mga pulis.

Source :

Abante, GMA

Loading...