Joma Sison handang umuwi ng Pilipinas pero may kondisyon para sa peace talks

Image by Joma Sison via Facebook page
  • Handa umanong umuwi si CPP founder Joma Sison sa Pilipinas
  • Gusto umano niyang makita muna na may kasiguraduhan na ang takbo ng peace talks bago siya umuwi
  • Inimbita ni Pangulong Duterte na umuwi si Sison upang makapag-usap sila

Ibinahagi ng Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang kanyang interes na umuwi ng bansa kung may nakikita na siya umanong kasiguraduhan sa peace talks.

Aniya pa sa GMA, “Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at mapabilis ang tako ng peace negotiations, kailangan may sufficient na pagsulong ng peace negotiations, may malakas na batayan at hindi madaling ma-upset ng peace spoilers.”

Paliwanag pa ni Sison ay nais niyang makita ang negotiating panel ng NDFP at ng gobyerno na magkasundo sa iilang mga bagay: pagpapatupad ng ceasefire, amnestiya para sa political prisoners at maayos ang dalawang issue ukol sa agrarian reform at rural development, na nasa ilalim ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Naniniwala umano si Sison na mapagkakasunduan agad ang mga ito sa loob ng 60-day window na binigay ni Pangulong Duterte.

Ito ay kasunod ng pag-imbita ng Pangulo kay Sison na umuwi upang makapag-usap sila.

Ani pa ni Duterte, “Ngayon, bago lang, I created a small window. Sixty days. Proposal ko kay Sison, hindi ako magpunta doon. Ang pinag-awayan natin, ang Pilipinas, pumunta ka dito. Ako mag-bigay ng pamasahe, I will pay for all your…pagkain.”

Loading...