Joma Sison ng CPP inimbita ni Pang. Duterte na umuwi sa Pilipinas para sa peace talks

Imahe mula sa I Love Pagadian

Inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison na umuwi sa Pilipinas para sa usaping pangkapayapaan.

Ayon sa GMA News, sinabi umano ni Pangulong Duterte na babayaran niya ang pamasahe maging ang pagkain ni Sison kung pupunta ito sa bansa.

Nagtakda rin ang pangulo ng “60-day window” para sa peace talks, bagama’t hindi nilinaw kung kalian ito magsisimula.

“Ngayon, bago lang, I created a small window. Sixty days. Proposal ko kay Sison, hindi ako magpunta doon. Ang pinag-awayan natin, ang Pilipinas, pumunta ka dito. Ako magbigay ng pamasahe, I will pay for all your…pagkain,” anang Pangulo.

“Ito kayong mga guerilla front, you stay in one place, mag-kampo na kayo, dalhin ninyo ‘yang baril ‘yan sa loob ng kampo ninyo. You seek to tell us where you are, you can go out of the camp, minus the arms. But I will give you the complete freedom to move. Wala akong molestiyahin. Order the military and the police to be nice to you,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

 

Loading...