Kapuso-turned-Kapamilya star Ryza, nagbahagi ng ‘Ang Probinsyano’ photo

Imahe mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

Ibinahagi ng Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Ryza Cenon ang larawan niya kasama ang pamilyang kinabibilangan niya sa hit ABS-CBN series na Ang Probinsyano.

Sa Instagram, ini-upload ni Cenon ang larawan niya kasama ang “first family” sa teleserye.

First Family. Kilalanin sila sa #angprobinsyano

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Ito ang unang proyekto ng aktres na humigit-kumulang 14 na taon na namalagi sa GMA.

Noong nakaraang taon ay kinumpirma ng GMA Artist Center ang pagkalas ni Cenon sa kanila. Pumirma na rin ang aktres ng exclusive five-year contract sa Viva Artists Agency noong  Hunyo 15.

Matapos ito, nanatili pa rin si Cenon na bahagi ng katatapos lamang na hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, kung saan gumanap siya bilang ang kontrabidang si Georgia.

Karera ni Ryza

Nagsimula ang karera ni Cenon noong nanalo siya sa Starstruck (Season 2, 2004).

Kamakailan ay natupad din ang pangarap ni Cenon na maging bida sa isang pelikula. Sa tagal niya raw sa showbiz ay noon lang siya nagkaroon ng pelikulang mainstream na siya ang bida.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Balita DF, IG

Loading...