Kiddie Party! Komedyanteng si Ashley Rivera nagdiwang ng birthday sa Jollibee

Image capture from Ashley Rivera Instagram account

Beeda ang saya kay Ashley Rivera!

Kakaiba ang paraan ng pagdiriwang ng birthday ni Bubble Gang babe at komedyanteng si Ashley Rivera kung saan nagpa-book ito ng kiddie party sa Jollibee.

Sa Instagram post ni Rivera, proud nitong ibinahagi ang video ng kanyang kiddie part birthday celebration.

So nung nagbbook nako sa Jollibee ng pang kiddie party ko, tinanong ako ng manager kung girl or boy ba (kala nya siguro may anak ako?) sabi ko ‘Ako… Girl? Para sakin kasi yung kiddie party,'” ani Rivera.

Then, naginvite na ko ng friends ko. Ayaw nila maniwala na sa Jollibee talaga ako magcecelebrate. Kala nila joke time nanaman. Sabi ko seryoso nga ako. Ayun, pagdating nila dun literal na children’s party nga pero para saming mga isip bata ???? ito na ata isa sa favorite birthday ko. So so so much fun with old & new friends! Thank you guys kasi di kayo K.J. Sinabayan nyo lang trip ko. Love you all,” dagdag pa nito.

Mapanonood ang unique sense of humor ni Rivera sa Bubble Gang tuwing Biyernes bago ang Saksi sa GMA-7

 

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, GMA

Loading...