Liza Diño dinepensahan si Ice Seguerra sa diumano’y korapsiyon sa NYC

Image capture from Aiza Seguerra Instagram account

Ipinagtanggol ni Liza Diño ang kanyang partner na si Aiza “Ice” Seguerra sa pagkakadawit nito sa diumano’y hindi otorisadong meryenda sa National Youth Commission, (NYC) makaraang kuwestyunin ito ng Commission on Audit (COA).

P234,000 on meals. My God, isang kanta lang yun ng asawa ko!” ani Liza Diño sa diumano’y korapsyon ni Ice sa NYC.

Sa audit report na isinagawa ng COA sa NYC, ang mga di’ otorisadong meryenda’y nagkakahalaga umano ng P268,000.

Si Ice ang noo’y NYC Chief  hanggang ito’y magbitiw nitong April 2018.

Ayon sa ulat ng PEP, ipinaliwanag ni Liza ang proseso sa pagsusumite ng mga resibo at iba pang paper work na kailangan sa ahensiya.

Salaysay pa ni Liza, inilabas ni Ice ang lahat ng COA observation na na-reconcile lahat. Aniya, huwag dapat na maging mapanghusga.

Mensahe pa ni Liza: “And for those who are doing that to malign or kung ano man ang intention ninyo, be responsible.

Siya ‘yung last person na iisipin n’yong corrupt; abonado pa siya sa gobyerno noong nandun siya.”

Hindi naman apektado si Ice sa naturang isyu; ‘yun nga lang ay nadadamay ang ahensiya.

Talaga ba, si Ice pa ba ang iku-question natin pagdating sa integridad?”

May birada rin si Liza sa Rappler  na siyang “nag-stop, fact check, at verify” ng mga detalye sa Facebook na aniya’y one sided umano.

“Nakakatawa lang na nakakainis kasi may mga iresponsable na akala nila gagamiting bala, I don’t know for their own agenda. “It’s so malicious the way it was written.”

I want to defend him because I know how he is. “Kilala n’yo ang asawa ko,” ani Liza.

Loading...